The Fire and the reward
Angie
10:34 PM
0 Comments
“6 In all this you greatly rejoice, though now for a little while you may have had to suffer grief in all kinds of trials.
7 These have come so that the proven genuineness of your faith—of
greater worth than gold, which perishes even though refined by fire—may result
in praise, glory and honor when Jesus Christ is revealed. “ 1 Peter 1:6-7
I. The fire
Maraming gamit ang
apoy sa bible, it can be anointing, testing at iba pa, but in this text,
Apostle Peter used the word fire as trials. Trials, in different forms, that
can come to every christian. Trials that make our life more exciting, more
challenging, and more dependent to God. Trials that can build us or break us.
If guided by God, and strengthened by God, those trials can benefit us and
bring us to a life that God wants us to be.
A. Refines
What does refine
means?
-remove impurities
or unwanted elements from (a substance), typically as part of an industrial
process.
-improve
(something) by making small changes, in particular make (an idea, theory, or
method) more subtle and accurate.
Just like the
process of gold, kapag namina na ito, babasagin ito para maalis yung ibang mga
elemento na nasa paligid nito, maaring mga bato. Pagkatapos ay ilalagay na ito
sa isang lagayan na kayang makapag-stand sa matinding init upang maalis ang mga
impurities, o ibang mga bagay na maaring makasira sa quality ng gold. Through
heat, mahihiwalay na yung mga impurities at maiiwan yung gold, ang gagawin ay
aalisin na yung mga lumutang na impurities. Pagkatapos ay isasalang ulit sa
apoy, pataas ng pataas ang init hanggang sa may lumutang na impurities, dahil
may ilang impurities na lumalabas kapag sobrang init na. Pagtapos ng maraming
pagsalang sa init, maiiwan na doon ang tunay at dalisay na ginto.
Same with our
lives as christian, noong nagsisimula pa lang tayo, yung level ng init, maaring
level 1, maambunan ka lang di ka na sisimba, o kaya nahahadlangan ka ng labada.
Level 2, nahahadlangan ka pa ng magulang mo, o kaya natitisod ka sa kapatiran o
ng pagbibigay. Level 3, takot kang mag-commit o mag-ministry sa church. Level
4, na-inlove ka na. And so on and so forth. Parang game, once na magtagumpay ka
sa level 1, expect mo na mas mahirap ang level 2, at ang mga susunod na level.
Pero once na natatapos mo ang isang level, nakikita mo na ang daming nagbabago
sayo.
The fire refines
and purifies us, mula saan? Mula sa ating mga di magandang pag-uugali, sa ating
mga takot, mga discouragement, at sa marami pang impurities. I remember the day
I decided to give my life to Jesus, I was 16 then, May 31, 2012. By the grace
of God, I’m still here. But to think na sa loob ng mga taon na iyon, ang
dami na naming napagdaanan ni Lord. Being the only christian in the family is a
not so easy life. Nandiyan yung mapagsasarhan ka ng pinto, aakyat ka sa bakod,
kapag di ka pinagbuksan makikitulog ka na lang sa ka-churchmate mo. Noong nag-aaral
ako, nawala iyong focus ko kay Lord, may nangyari na naging daan para bumalik
ulit ako sa Panginoon, nagkasakit ang Papa ko, ang dami naming utang, hirap na
ang mga magulang ko na pag-aralin ako, gigising ako ng madaling araw para
magluto ng lugaw, champorado, at sopas na paninda namin, pag-uwi ko galing
school, huhugasan ko yung mga kaldero tapos ihahanda na iyong mga iluluto bukas,
mahirap man, pinagtapos ako ni Lord ng pag-aaral, pinagpala Niya ako ng
magandang trabaho, pinagaling Niya ang Papa ko, madami man ang suliranin at
pagsubok na dumating sa buhay ko at sa ministry ko, isa lang ang nakita ko,
madaming nagbago, sa ugali ko pa lang at kung paano ako humarap sa problema.
Sa lahat ng trials
na iyon, thankful talaga ako kay Lord. Kasi nakita ko na paunti-unti ay inalis
Niya ang mga impurities sa buhay ko, sa ugali ko, at sa iba pang mga bagay.
Alam ko na madami pang gagawin si Lord, may mga trials Siya na i-aallow upang
mas mapadalisay pa ako. Those trials are allowed by God not to break us, but to
refine us, to bring us to something better, to teach us, to purify us. Kung
ngayon tayo ay dumadanas ng ganiyan, pinapadaan tayo sa apoy, any level man
iyan, huwag nating kakalimutan ang sinabi ng Diyos sa Isaiah 43:2
"When you pass through the waters,
I will be with you;
and when you pass through the rivers,
they will not sweep over you.
When you walk through the fire,
you will not be burned;
the flames will not set you ablaze.
"When you pass through the waters,
I will be with you;
and when you pass through the rivers,
they will not sweep over you.
When you walk through the fire,
you will not be burned;
the flames will not set you ablaze.
Kasama natin ang
Diyos!
Look at your own
struggles today and see how God refined you, helped you, and changed you.
Makikita mo, na ang dami mo na palang pangit na ugali ang inalis ng Diyos, ang
dami mo ng takot at pag-aalinlangan na nawala at napalitan ng courage and
belief.
B. Proves the
genuineness of our faith
Genuine- true; authentic; sincere
Our trials can prove if our faith is
genuine. May mga pagsubok sa ating buhay na tutukoy kung hanggang saan ang pananampalataya natin sa Diyos. How real is our faith? How do you
response in every trials? Do you response with faith or by your own strength?
One very good example in the bible na
mayroong genuine faith ay si Job. We all know the story of Job, God allowed the
devil to give Job different trials, and yet, Job didn’t fail to prove that his
faith is genuine. Nakaka-bless talaga ang story ni Job, kasi pinagkatiwalaan
siya ni Lord, dahil sa kaniyang pananampalataya, alam ng Diyos na tunay ang
kaniyang faith. Kumbaga sa contest, pinambato ni Lord si Job. Best bet Niya si
Job, tiwala Siya dito. Maging tayo din sana ay maging katulad ni Job, when face
with ‘fires’ in our lives, tiwala si Lord, na ma-oovercome natin iyon, dahil
nagtitiwala tayo sa Diyos na tutulungan Niya tayo, lahat ay makakaya basta
kasama natin si Hesus.
Is your years as christian can determine if
your faith is genuine? Not all the time. Maraming kristiyano na matagal na
ngunit hindi genuine. Maaring madaming tao sa loob ng church pero hindi lahat
genuine. Sabi nga sa ating teksto, those who perseveres, those who stand the
test, they are proven to have a genuine faith. In our own strength, mahirap na magtagumpay
sa mga pagsubok, ngunit kung tayo ay aasa sa Diyos at hihingi ng lakas mula sa
Kaniya, kapatid, makakaya natin lahat.
Gold never decreses value. Ang halaga ng
ginto, bumili ka man noong 1998, ngayong 2016, hindi pababa ang value niyan,
mas mahal nga e. Paano pa kaya tayong mananampalataya, na sabi nga, our faith
is more than gold, everytime na may trials na nalalampasan tayo, mas pataas ang
value natin, lalo na sa paningin ni Lord. Noon pa nga lang na marumi tayo at
makasalanan pa, valuable tayo sa paningin ni Lord, paano pa kaya ngayon na
nagpapatuloy tayo at naglilingkod sa Kaniya?
May our faith be found genuine.
II. The Reward
What’s at stake? Ikaw kapatid alam mo ba
kung bakit mo ginagawa ito? Why did you endure all sufferings? Why are you
here? What’s the prize? Kung hindi mo alam ang dahilan kung bakit mo ito
ginagawa, malamang aayaw ka, titigil ka. O kaya sa kalagitnaan ng trials,
masasabi mo na lang na, wala naman itong patutunguhan, wala namang mangyayari.
Sabi nga ni Apostol Pablo, hindi tayo sumusuntok sa hangin. Si Apostle Peter ay
nagtanong din sa Panginoon Hesus kung ano ang kanilang kakamtin kung sila ay
susunod, and Jesus answered, eternal life, for you and for your family (Acts
16:31) Ang bunga ng ating pagsasakripisyo ngayon, maaring may kaunti para dito
sa lupa (abundant life) ngunit mas higit para sa hinaharap. Para sa future,
pang-eternal na ito kapatid. It is very important to know, that we are aiming
for a prize, that if we persevere ay makukuha natin balang-araw. Na when we
come face to face with God, He will say to us, ‘My good and faithful servant’,
ibang fulfillment kasi ang makuha mo ang God’s approval sa lahat ng iyong
ginagawa. So what are the rewards? Eternal Life and God’s Approval.
A. Lead us back to the track
On our journey as a christian, trials in
life can lead us astray, or nasa off track na pala tayo. Takbo tayo ng takbo,
mali na pala ang tinatakbuhan natin. Remembering who do we run for can make us
lead back to Him. Madalas kasi sa atin bilang tao, kailangan tayo i-remind kasi
makakalimutin tayo, makukulit din tayo.
Sa gitna ng pagsubok o mga suliranin, do we
forget what matters the most? Hindi ba ang pinakamahalaga sa lahat ay makuha
natin ang God’s approval. Maraming manggagawa, they are occupied with their
ministry, nagiging burden na sa kanila ang pag miministeryo dahil sa kanilang
pagiging masyadong abala, pero diba sa lahat ng ginagawa natin, ang
pinakamahalaga lang naman ay ang makuha natin ang approval ng Diyos?
To earn God’s approval is the greatest
reward that a christian can get. Ano pa ba ang ibang inaasam natin kung bakit
natin ito ginagawa? Approval ng tao? Sabi nga ni Apostle Paul sa Galatians,
kung papuri lang ng tao ang inaasam niya, hindi na sana siya naglingkod sa
Diyos. Same with us, servants of God, we are serving God, so His approval
should be our highest goal. Marami ang nabi-burn out sa paglilingkod, nawawalan
ng gana, dahil maaring approval ng tao ang hinahanap nila, kaya kapag hindi
napupuri or na-aappreciate, ay tumitigil o sumasama ang loob. Knowing that we
are serving God and aiming for His approval is a sure way to continue. God’s
approval first, then the approval of others will follow.
B. To win
Sinong sumali sa race na ang goal ay
matalo? Lahat ang inaasam ay manalo. Ganoon din sa ating pananampalataya, lahat
tayo umaasa na makakamit natin ang reward someday.
“Run in such a way that you may win.”-1
Corinthians 9:24
Nagpaalala si Apostol Pablo sa mga
taga-Corinto, tatakbo ka na din lang, for the win na dapat. Sabi nga “Fight the
good fight of faith,” maaring sa ngayon, we have struggles, testing our faith,
we are fighting for our faith. Please give it a good fight, hindi iyong isang
round pa lang, na-KO na tayo, remember, it is God who is fighting for us. In
our fight, God is with us, fighting for us, kung titigil ka, kahit
makapangyarihan si Lord, anong magagawa Niya, e ayaw mo na?
Your present situation cannot determine
your future. Lalo na kung alam mo ang pangako ng Diyos. Kung sa sitwasyon mo
ngayon, nahihirapan ka na, naguguluhan, nanghihina, huwag kang tumigil, hindi
pa iyan ang pangako ni Lord, we are called to be victorious, we are called to
win.