Monday, August 6, 2018

Papasa sa Board Exam! (By His grace)

11:42 PM 0 Comments

54 days bago ang Board Exam (LET) at saka lang parang nag-sink in sa akin ang bilang ng araw at ang effort na binibigay ko para sa LET. Ilang araw na din akong absent sa review class dahil sa pagkakasakit ko and other important events sa life na mas priority at mas mahalaga para sa akin. Hindi pa din ako masyadong nakakapagbasa and every time na sinusubukan ko ay parang wala akong matandaan at hindi ko nauunawaan. 

Pakiramdam ko ay information overload na ako and somehow nawawalan ng gana dahil ang daming what ifs sa isip ko. Sobrang down ng will ko na i-push pa ito dahil sa iba't ibang factors. Ang daming problema, emotional, financial, decision-making, time at madami pang iba. Ayaw ko na ata talaga. 

Then come, August 4 2018, I attended a seminar na sponsored ng scholarship na kinabibilangan ko (Hello sa mga kapwa ko PBED Scholars!) The first speaker gave us these four questions: Where have you been? Why are you here? Where are you going?
What decisions are you making right now that you're looking into the future?

Those questions really hit me and made me realized my dreams and the reasons why I am in this field in the first place.

Where have you been?
I finished Broadcast Communication from Sintang Paaralan. I am working as a communication officer for more than 6 years in an NGO/Cooperative. In the middle of my office career, I started to search the 'why'. On the process, my dream of being a teacher came back to me, igniting my deep love for teaching since I am a house church leader teaching the Word of God in two families and different people and later on, Sunday school children. Last 2017, I applied for a scholarship and I am blessed to be accepted in Step-Up (PBED). For almost a year, I spent my Saturdays at Philippine Normal University, and took up Certificate in Teaching Program (CTP). Still working at the office (Monday to Friday), I thank God for the strength that He has given me to endure all the hardships of being a working-student Hahaha and a servant of God as the same time. You know what keeps me going that time? My Dream. My Dream to be a teacher. 

Why are you here?
This is my 'why'. I always believe that God entrusted me with a gift of teaching. Sa tuwing nakakapunta ako sa isang paaralan, mayroong humihila sa akin, kagustuhan na maging bahagi ng ganoong komunidad, gusto kong makapagbigay ng impact sa mga batang matuturuan ko dahil naniniwala ako na ang isang mabuting guro ay nag-iiwan ng mabuting impluwensya sa kaniyang mag-aaral. Isipin mo na lang ang mangyayari sa komunidad natin kung karamihan ay mayroong magandang impluwensya at nagnanais din na maging mabuting tao? Sabi nga sa PBED, agent of change ang mga teacher. Iyon ang gusto kong lakaran :)

Where are you going?
Saan na kaya ako papunta? I can't state the exact answer, but I know for sure na papunta ako sa lugar na kung saan sa simula pa lang ay plano na ng Diyos na pagdalhan sa akin :) Hawak Niya ang future ko, at dahil He is a good God, I know that I will be having a good future. Pangarap ko na one day, mag-oath taking ako, and may lisensya na ako as professional teacher, na one day, nasa public school ako at nagtuturo sa mga mag-aaral at madaming naiimpluwensyahang buhay, na one day, Master Teacher na ako dahil gugustuhin ko pa ding nasa loob ng silid-aralan at nagtuturo. Maaaring sasabihin ng iba na napaka-ideal ng pangarap ko, pero sa tulong ng Diyos, alam ko na mangyayari iyon.

What decisions are you making right now that you're looking into the future?
Ang desisyon na maaring gawin ko ngayon ay magdesisyon na ipagpatuloy ito. Sa biyaya at habag ng ating Panginoon, ipapasa ko ang Board Exam and by His grace, malay natin maging Topnotcher :) Kailangan kong magdesisyon na magseryoso sa pag-aaral na ito. At sa tulong ng Diyos, ito ang gagawin ko sa remaining days ko ng pag-rereview:
1. On the way sa work or during byahe, makikinig ako ng mga audio review materials.
2. Pag-uwi after church service/bible study hindi na muna ako hahawak ng cellphone at maglalaan ng oras para mag-review. 
3. Every vacant time ay magrereview.
4. Magiging masipag sa pakikinig sa review class.
5. Magre-review!

And most of all, I will commit this journey to God. Lord, ipinagkakatiwala ko po Sayo ang lakbayin ko na ito. Please give me the wisdom, knowledge, and understanding and the strength. Kayo po ang aking partner, hindi lang sa review kundi sa bawat araw ng buhay ko. 

I believe in what Mark 11:24 says, Therefore I tell you, whatever you ask for in prayer, believe that you have received it, and it will be yours. And sakto sa sinabi ng preacher kagabi sa Jubilee Service, 'If you think you don't deserve it, then you will not have it.' 

Kaya I am claiming, akin na ang lisensya as professional teacher! Magpapagawa na po ako ng dress para sa oath taking :) I know na lahat ng hadlang financial man yan, emotional, at kahit ano pa man, mapo-provide dahil kasama ko ang aking Diyos, my provider, my healer, my strong tower, my great refuge, my comforter, God of my forever.

I love you, Lord. Maraming salamat sa lahat! Papasa sa Board Exam, Amen.

Love,
Angelyn Legaspi Jolo, future LPT (by His grace)

Saturday, March 17, 2018

My Ideal Classroom

12:34 AM 0 Comments
This is my ideal classroom :) I am really fond of plants and I believe that whenever your eyes are tired, all you have to do is to look on something green to rest your eyes. I also want to have a collaboration area/reading corner for those who want to have a serene place to read or reflect, this can also be a prayer room for the students. I want the tables and chairs to be this colorful as much as possible. The bulletin boards display the work of the students and other interesting stuffs.

Wednesday, October 4, 2017

The Fire and the reward

10:34 PM 0 Comments

“6 In all this you greatly rejoice, though now for a little while you may have had to suffer grief in all kinds of trials.
7 These have come so that the proven genuineness of your faith—of greater worth than gold, which perishes even though refined by fire—may result in praise, glory and honor when Jesus Christ is revealed. “ 1 Peter 1:6-7

I. The fire
Maraming gamit ang apoy sa bible, it can be anointing, testing at iba pa, but in this text, Apostle Peter used the word fire as trials. Trials, in different forms, that can come to every christian. Trials that make our life more exciting, more challenging, and more dependent to God. Trials that can build us or break us. If guided by God, and strengthened by God, those trials can benefit us and bring us to a life that God wants us to be.

A. Refines
What does refine means?
-remove impurities or unwanted elements from (a substance), typically as part of an industrial process.
-improve (something) by making small changes, in particular make (an idea, theory, or method) more subtle and accurate.

Just like the process of gold, kapag namina na ito, babasagin ito para maalis yung ibang mga elemento na nasa paligid nito, maaring mga bato. Pagkatapos ay ilalagay na ito sa isang lagayan na kayang makapag-stand sa matinding init upang maalis ang mga impurities, o ibang mga bagay na maaring makasira sa quality ng gold. Through heat, mahihiwalay na yung mga impurities at maiiwan yung gold, ang gagawin ay aalisin na yung mga lumutang na impurities. Pagkatapos ay isasalang ulit sa apoy, pataas ng pataas ang init hanggang sa may lumutang na impurities, dahil may ilang impurities na lumalabas kapag sobrang init na. Pagtapos ng maraming pagsalang sa init, maiiwan na doon ang tunay at dalisay na ginto.

Same with our lives as christian, noong nagsisimula pa lang tayo, yung level ng init, maaring level 1, maambunan ka lang di ka na sisimba, o kaya nahahadlangan ka ng labada. Level 2, nahahadlangan ka pa ng magulang mo, o kaya natitisod ka sa kapatiran o ng pagbibigay. Level 3, takot kang mag-commit o mag-ministry sa church. Level 4, na-inlove ka na. And so on and so forth. Parang game, once na magtagumpay ka sa level 1, expect mo na mas mahirap ang level 2, at ang mga susunod na level. Pero once na natatapos mo ang isang level, nakikita mo na ang daming nagbabago sayo.

The fire refines and purifies us, mula saan? Mula sa ating mga di magandang pag-uugali, sa ating mga takot, mga discouragement, at sa marami pang impurities. I remember the day I decided to give my life to Jesus, I was 16 then, May 31, 2012. By the grace of God, I’m still here. But to think na sa loob ng mga taon na iyon, ang dami na naming napagdaanan ni Lord. Being the only christian in the family is a not so easy life. Nandiyan yung mapagsasarhan ka ng pinto, aakyat ka sa bakod, kapag di ka pinagbuksan makikitulog ka na lang sa ka-churchmate mo. Noong nag-aaral ako, nawala iyong focus ko kay Lord, may nangyari na naging daan para bumalik ulit ako sa Panginoon, nagkasakit ang Papa ko, ang dami naming utang, hirap na ang mga magulang ko na pag-aralin ako, gigising ako ng madaling araw para magluto ng lugaw, champorado, at sopas na paninda namin, pag-uwi ko galing school, huhugasan ko yung mga kaldero tapos ihahanda na iyong mga iluluto bukas, mahirap man, pinagtapos ako ni Lord ng pag-aaral, pinagpala Niya ako ng magandang trabaho, pinagaling Niya ang Papa ko, madami man ang suliranin at pagsubok na dumating sa buhay ko at sa ministry ko, isa lang ang nakita ko, madaming nagbago, sa ugali ko pa lang at kung paano ako humarap sa problema.

Sa lahat ng trials na iyon, thankful talaga ako kay Lord. Kasi nakita ko na paunti-unti ay inalis Niya ang mga impurities sa buhay ko, sa ugali ko, at sa iba pang mga bagay. Alam ko na madami pang gagawin si Lord, may mga trials Siya na i-aallow upang mas mapadalisay pa ako. Those trials are allowed by God not to break us, but to refine us, to bring us to something better, to teach us, to purify us. Kung ngayon tayo ay dumadanas ng ganiyan, pinapadaan tayo sa apoy, any level man iyan, huwag nating kakalimutan ang sinabi ng Diyos sa Isaiah 43:2

"When you pass through the waters,
    I will be with you;
and when you pass through the rivers,
    they will not sweep over you.
When you walk through the fire,
    you will not be burned;
    the flames will not set you ablaze.

Kasama natin ang Diyos!

Look at your own struggles today and see how God refined you, helped you, and changed you. Makikita mo, na ang dami mo na palang pangit na ugali ang inalis ng Diyos, ang dami mo ng takot at pag-aalinlangan na nawala at napalitan ng courage and belief.

B. Proves the genuineness of our faith

Genuine- true; authentic; sincere

Our trials can prove if our faith is genuine. May mga pagsubok sa ating buhay na tutukoy kung hanggang saan ang pananampalataya natin sa Diyos. How real is our faith? How do you response in every trials? Do you response with faith or by your own strength?

One very good example in the bible na mayroong genuine faith ay si Job. We all know the story of Job, God allowed the devil to give Job different trials, and yet, Job didn’t fail to prove that his faith is genuine. Nakaka-bless talaga ang story ni Job, kasi pinagkatiwalaan siya ni Lord, dahil sa kaniyang pananampalataya, alam ng Diyos na tunay ang kaniyang faith. Kumbaga sa contest, pinambato ni Lord si Job. Best bet Niya si Job, tiwala Siya dito. Maging tayo din sana ay maging katulad ni Job, when face with ‘fires’ in our lives, tiwala si Lord, na ma-oovercome natin iyon, dahil nagtitiwala tayo sa Diyos na tutulungan Niya tayo, lahat ay makakaya basta kasama natin si Hesus.

Is your years as christian can determine if your faith is genuine? Not all the time. Maraming kristiyano na matagal na ngunit hindi genuine. Maaring madaming tao sa loob ng church pero hindi lahat genuine. Sabi nga sa ating teksto, those who perseveres, those who stand the test, they are proven to have a genuine faith. In our own strength, mahirap na magtagumpay sa mga pagsubok, ngunit kung tayo ay aasa sa Diyos at hihingi ng lakas mula sa Kaniya, kapatid, makakaya natin lahat.

Gold never decreses value. Ang halaga ng ginto, bumili ka man noong 1998, ngayong 2016, hindi pababa ang value niyan, mas mahal nga e. Paano pa kaya tayong mananampalataya, na sabi nga, our faith is more than gold, everytime na may trials na nalalampasan tayo, mas pataas ang value natin, lalo na sa paningin ni Lord. Noon pa nga lang na marumi tayo at makasalanan pa, valuable tayo sa paningin ni Lord, paano pa kaya ngayon na nagpapatuloy tayo at naglilingkod sa Kaniya?

May our faith be found genuine.

II. The Reward
What’s at stake? Ikaw kapatid alam mo ba kung bakit mo ginagawa ito? Why did you endure all sufferings? Why are you here? What’s the prize? Kung hindi mo alam ang dahilan kung bakit mo ito ginagawa, malamang aayaw ka, titigil ka. O kaya sa kalagitnaan ng trials, masasabi mo na lang na, wala naman itong patutunguhan, wala namang mangyayari. Sabi nga ni Apostol Pablo, hindi tayo sumusuntok sa hangin. Si Apostle Peter ay nagtanong din sa Panginoon Hesus kung ano ang kanilang kakamtin kung sila ay susunod, and Jesus answered, eternal life, for you and for your family (Acts 16:31) Ang bunga ng ating pagsasakripisyo ngayon, maaring may kaunti para dito sa lupa (abundant life) ngunit mas higit para sa hinaharap. Para sa future, pang-eternal na ito kapatid. It is very important to know, that we are aiming for a prize, that if we persevere ay makukuha natin balang-araw. Na when we come face to face with God, He will say to us, ‘My good and faithful servant’, ibang fulfillment kasi ang makuha mo ang God’s approval sa lahat ng iyong ginagawa. So what are the rewards? Eternal Life and God’s Approval.

A. Lead us back to the track
On our journey as a christian, trials in life can lead us astray, or nasa off track na pala tayo. Takbo tayo ng takbo, mali na pala ang tinatakbuhan natin. Remembering who do we run for can make us lead back to Him. Madalas kasi sa atin bilang tao, kailangan tayo i-remind kasi makakalimutin tayo, makukulit din tayo.

Sa gitna ng pagsubok o mga suliranin, do we forget what matters the most? Hindi ba ang pinakamahalaga sa lahat ay makuha natin ang God’s approval. Maraming manggagawa, they are occupied with their ministry, nagiging burden na sa kanila ang pag miministeryo dahil sa kanilang pagiging masyadong abala, pero diba sa lahat ng ginagawa natin, ang pinakamahalaga lang naman ay ang makuha natin ang approval ng Diyos?

To earn God’s approval is the greatest reward that a christian can get. Ano pa ba ang ibang inaasam natin kung bakit natin ito ginagawa? Approval ng tao? Sabi nga ni Apostle Paul sa Galatians, kung papuri lang ng tao ang inaasam niya, hindi na sana siya naglingkod sa Diyos. Same with us, servants of God, we are serving God, so His approval should be our highest goal. Marami ang nabi-burn out sa paglilingkod, nawawalan ng gana, dahil maaring approval ng tao ang hinahanap nila, kaya kapag hindi napupuri or na-aappreciate, ay tumitigil o sumasama ang loob. Knowing that we are serving God and aiming for His approval is a sure way to continue. God’s approval first, then the approval of others will follow.

B. To win
Sinong sumali sa race na ang goal ay matalo? Lahat ang inaasam ay manalo. Ganoon din sa ating pananampalataya, lahat tayo umaasa na makakamit natin ang reward someday.

“Run in such a way that you may win.”-1 Corinthians 9:24

Nagpaalala si Apostol Pablo sa mga taga-Corinto, tatakbo ka na din lang, for the win na dapat. Sabi nga “Fight the good fight of faith,” maaring sa ngayon, we have struggles, testing our faith, we are fighting for our faith. Please give it a good fight, hindi iyong isang round pa lang, na-KO na tayo, remember, it is God who is fighting for us. In our fight, God is with us, fighting for us, kung titigil ka, kahit makapangyarihan si Lord, anong magagawa Niya, e ayaw mo na?

Your present situation cannot determine your future. Lalo na kung alam mo ang pangako ng Diyos. Kung sa sitwasyon mo ngayon, nahihirapan ka na, naguguluhan, nanghihina, huwag kang tumigil, hindi pa iyan ang pangako ni Lord, we are called to be victorious, we are called to win.